"Life is too short"
"Buhay ay Masyadong Maikli"
Nang masilayan ko ang papasikat na sinag ni
Inang araw, muli akong nakaramdam ng
kapanatagan ng kalooban.
Sabay bulong saking sarili na mapalad pa rin ako.
Kasabay ang pag-usal ng isang panalangin,
hindi para sa sarili ko.
Namataan ko ang ilang gusali sa
di-kalayuan, ang buhangin, ang daanan ng mga
sasakyan, ang ilang damuhan at nang tumingala
ako sa kalangitan, isang matamis na ngiti ang
muling sumilay saking mga labi. At sa isang
bahagi ng isip ko, muling gumitaw ang isang
katotohanan na lubos kong pinagpapasalamat
sa Poong Maykapal.
Buhay ako, malakas, malayo sa karamdaman,
may mumunti mang suliranin ngunit nahahanapan
ko rin ng solusyon, may mapagmahal na mga
magulang at mga kapatid. May maayos na
hanap-buhay at may tahanan na nasisilungan.
Mga bagay na labis kong pinagpapasalamat
sa Diyos. Dahil hindi lahat ng tao, may maayos
na buhay at pamumuhay na masasabi kong
malaking biyayang natanggap ko sa Itaas.
Kaya lalo kong pahahalagahan at Iingatan ang
buhay na ipinahiram sa akin ng Diyos. Hindi man
ako kabilang sa may marangyang buhay o
may mataas na posisyon sa trabaho at
kinaluluguran ng nakararami, kontento na ako
sa anumang mayroon ako ngayon.
Higit sa lahat, natutunan ko na ring kalimutan
ang nakaraan at talikdan ng tuluyan ang mga
Mapapait na karanasan ko sa buhay. Upang
harapin ang kasalukuyan at ang hinaharap na
puno ng pag-asa at positibong pananaw at
prinsipyo sa buhay.
LIFE IS TOO SHORT
Huwag nating hayaang makulong tayo sa
anino ng kahapon. Bagkus, pahalagahan natin
ang bawat araw na lilipas at gamitin natin sa
wasto at tama ang buhay na ipinahiram sa atin
ng POONG MAYKAPAL!
When I glimpse the nascent sun rays Mother,
I again felt the comfort of mood.I whispered that
i'm still lucky with the drone of a prayer, not for
myself.But my loved ones and the people I know
still there beside me any storm or hurricane
to come.
I spottedsome buildings in the distance,
the sand,the roadway, some lawn and when
I looked up at the sky, a sweet smile shone
again from my lips. And a part of my mind,
re-emerged a fact that I am Thankful to our
God Almighty.
I live, loud, far from illness, with considerable
artistic problem but I also searchable solution,
with loving parents and siblings. With proper
livelihood and home. Things to
whom I borrowed from God. Because
everyone there well and living life to say
I received great blessings Above.
So the more I appreciate and Pressure living
God lent me. I do not even belong to a
luxurious life or a high position at work and
delight of the majority, I am satisfied with
what I have now.
More importantly, I've also learned to forget
the past and permanently waive the bitter
experiences of my life. To deal with the present
and the future full of hope and positive outlook
on life and values.
LIFE IS TOO SHORT ...
We should not let us confine the shadows
of yesterday. Rather, we appreciate every
day we pass and use accurate and correct
life lent to us by God Almighty!