MGA PALATANDAAN AT PAHIWATIG
(Signs and Premonitions)
MARIANG MAKILING
ni Hugo C. Yonzon, 1974
3. Mga Iba Pang Pahiwatig (Other Omens)
Kapag nakagat ng isang tao ang kanyang dila, ito ay pahiwatig na may nakaalala sa kanya o di kaya siya pinag-uusapan. (If a person bites his tongue, it means someone is thinking of him or talking about him.)
Kapag nakalimutan ng isang tao ang nais niyang sabihin, ito ay nagpapahiwatig na linuha ng demonyo ang kanyang mga salita. (If a person forgets what he wants to say, it means that the devil snatched his words.)
Ang babaeng nagsusuklay ng kanyang buhok na nakatalikod sa pintuan ay tanda ng pagiging taksil. (A woman who combs her hair with her back facing the door is a sign of infidelity.)
Kapag nahulog ang lahat ng palito sa loob ng kahon ng posporo, ikaw ay magkakaroon ng di inaasahang bisita. (If all the matches should fall out of a matchbox, you will have an unexpected visitor.)
Ang buwan na nagsisimula sa Biyernes ay magiging puno ng aksidente. (A month that starts on a Friday will be full of accidents.)
Ang isang taong laging gumagamit ng pangbanda sa katawan tuwing Biyernes ay isang mangkukulam. (A person who always uses a bandage on Fridays is a witch.)
Ang paglitaw ng isang kometa ay isang pahiwatig ng giyera, salot, o sakit. (The appearance of a comet is an omen of war, famine, or illness.)
Kapag ang isang matanda ay tumatawa habang natutulog, ito ay pahiwatig na isang kamag-anak niya ay mamamatay. Kapag naman tumatawa ang isang bata habang natutulog, ibig sabihin siya ay nakikipaglaro sa mga anghel. (When a sleeping adult laughs, it means that a relative will die. On the other hand, if a child laughs while sleeping, it means that angels are playing with him.)