PAGKAKASAKIT AT KAMATAYAN
(Illness and Death)
Virgin Mary
ni Galo B. Ocampo, 1951
1. Pagkakasakit (Illness and Disease)
Ang paghiga sa kama ng basa ang buhok ay magiging sanhi ng pagkabulag o pagkabaliw. (Going to bed with wet hair leads to blindness and insanity.)
Ang isang pagkakasugat na nangyari sa Biyernes Santo ay matagal bago gagaling. (A wound inflicted on Good Friday will take a long time to heal.)
Dapat na palitan ang pangalan ng isang sakiting bata. Ito ay upang lituhin ang mga espiritu na naghahatid ng sakit. (It is a good idea to change the name of a sickly child. That way you may be able to fool the spirits who are causing the sickness.)
Bago ka maligo sa isang sapa o ilog, kailangang humingi ka muna ng pahintulot mula sa mga engkanto (mga espiritu na may kapangyarihang mangkulam ng mga tao) na nakatira doon. Kung hindi, ikaw ay magkakasakit. (Before you bathe in a spring or river, you must first ask permission form the engkantos (spirits who have the power to enchant people) who dwell there. Otherwise, you might fall ill.)
Bago ka dumaan sa isang maliit na burol, kailangang humingi ka muna ng pahintulot mula sa mga engkanto upang hindi ka magkasakit. (Before passing over a small hill, you must first ask permission from the engkantos so that you will not get sick.)
Ang kulugo ay galing sa ihi ng palaka. (Warts are caused by urine of frogs.)
2. Kamatayan (Death)
Mga Palatandaan at Pahiwatig (Signs and Omens)
Ang isang umaaligid na itim na paruparo ay isang palatandaan na isang kamag-anak ng iyong pamilya ay kamamatay lang. (A lingering black butterfly is a sign that one of your relatives just died.)
Kapag ang isang gagambang nahuhulog ay dumapo sa iyo, ito ay isang pahiwatig na may isang taong malapit sa iyo ay mamatay. (A falling spider that lands on you is an omen that someone close to you will die.)
Huwag sumali sa isang grupo ng tatlo o labing-tatlong tao, dahil isa sa inyo ay mamatay. (Do not form groups of three or thirteen, or one of you will die.)
Kapag ikaw ay nanaginip na isa sa iyong mga ngipin ay binubunot, ito ay nangangahulugan na isang kasapi ng iyong pamilya ay mamamatay. (If you dream that one of your teeth is being pulled out, this means that a family member will die.)
Minsan ang kaluluwa ay pansamantalang umaalis sa katawan ng tao habang siya ay mahimbing na natutulog. Kapag ginising ang isang tao sa ganitong pagkakataon ay maaaring ikamatay niya. (Sometimes the soul temporarily leaves the body while in a deep sleep. Rousing a person at this time might kill him.)
Kapag ang puno na itinanim kasabay ng pagkapanganak sa isang bata ay namatay, ito ay isang pahiwatig na ang bata ay mamamatay rin. (When a tree that was planted at the same time that a child was born dies, the child will also die.)
Paglalamay (Wake)
Ang kaluluwa raw ng isang tao ay bumabalik sa ikatlo, ika-lima, at ika-pitong araw matapos siyang mamatay. (It is said that the soul of the deceased returns on the third, the fifth, and the seventh days after death.)
Ang kabaong ay dapat na gawin sa tamang sukat ng namatay. Kung hindi, ang isang kasapi ng pamilya ng namatay ay mamamatay sa loob ng mabilis na panahon. (The coffin should be built to fit the exact measurement of the corpse. Otherwise, a family member of the deceased will soon die.)
Ingatan na huwag papatak ang iyong luha sa isang patay o sa kanyang kabaong. Kapag ito ay nangyari, ang patay na tao ay magkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig. (Be careful that your tears don't fall on the dead or on the coffin. If they do, the dead person will have a difficult ourney to the next world.)
Kapag may nabahing o humatsing sa isang lamay, kurutin siya at baka siya ay sumama sa patay. (If someone sneezes at a wake, pinch him lest he join the dead.)
Sa iyong lamay, huwag ihatid ang mga nakikiramay sa pintuan ng simbahan o ng punenarya. (During a wake, never see your visitors off at the door of the chapel or funeral parlor.)
Ang isang biyuda na hinahaplos ang mukha ng kanyang patay na asawa ay siguradong mag-aasawang muli. (A widow who caresses her dead husband's face will surely marry again.)
Huwag magwalis ng bahay hanggang hindi naililibing ang patay. (Do not sweep the house until after the burial.)
Libing (Funeral)
Laging dalhin ang kabaong palabas ng bahay, simbahan o punenarya una ang ulunan. Maiiwasan nito ang pagbabalik ng kaluluwa ng namatay. (Always carry the coffin out of the house, church, or funeral parlor head first. This prevents the soul of the dead from coming back.)
Sa martsa ng libing, ang isang lalaki na may buntis na asawa ay hindi dapat magbuhat ng kabaong. Bago siya umuwi, siya ay dapat na magsindi ng sigarilyo mula sa apoy ng "gate" ng sementeryo upang mapaalis ang mga espiritu ng mga patay. (During the funeral march, a man whose wife is pregnant should not carry the casket. Before going home, he should light up a cigarette from a fire at the cemetery gate in order to shake off the spirits of the dead.)
Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhi ng pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay. (Digging a hole larger than the coffin will cause an immediate relative to join the deceased in the grave.)
Matapos ibaba sa libingan ang kabaong, lahat ng kasapi ng pamilya ng namatay ay dapat dumampot ng lupa, duraan ito, at itapon sa libingan. Sa paggawa nito, hindi lamang ang masasamang bagay na naiwan ng namatay ang malilibing, kundi mababawasan din ang bigat ng pagluluksa ng pamilyang naiwan. (Ater the coffin has been lowered to the grave, all family members should take a handful of soil, spit on it, and throw it in the grave. Doing so will not only bury any evil left behind by the deceased, but also lessen the burden of grief on the family as well.)
Matapos ang libing, huwag kang uuwi agad upang ang espiritu ng namatay ay hindi ka sundan sa iyong bahay. (After the funeral service, do not go home directly so that the spirit of the dead person will not follow you to your house.)
Huwag pabayaang tumapak sa isang bukas na libingan ang isang bata, kung hindi, siya ay bibisitahin ng espiritu ng namatay. (Never let a child step over an open grave lest the spirit of the dead visit that child.)
Ipamigay na ang iyong mga itim na damit isang taon pagkatapos ng pagluluksa upang maiwasan ang isa pang pagkamatay sa pamilya. (Give away your black dresses after one year of mourning to prevent another death in the family.)