SALAPI AT KAYAMANAN
(Money and Wealth)
Market Scene
ni Greg Bolanos
1. Mga Palatandaan at Mga Pahiwatig (Signs and Omens)
- Kapag ang isang tao ay nagbasag ng itlog at nakakita siya ng dalawang dilaw, siya ay magiging mayaman. (A person who breaks an egg and finds two yolks inside will be rich.)
Ang puting paruparo ay isang palatandaan ng darating na kayamanan. (A white butterfly is a sign of impending wealth.)
Ang isang maliit na burol ng langgam sa ilalim ng bahay ay isang palatandaan ng magandang swerte. (A small anthill under the house is a sign of good fortune.)
Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng mga itim na langgam ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng bahay ay magiging mayaman. (A house frequented by black ants means that its owner will be rich.)
2. Mga Dapat at Huwag Dapat Gawin (What to Do/Not to Do)
Huwag ilagay ang iyong pitaka o handbag sa sahig, dahil kapag ginawa mo ito, hindi ka magiging maunlad. (Do not put your purse or handbag down on the floor, or you will not prosper.)
Huwag na huwag kang magwawalis ng sahig sa gabi, dahil kapag ginawa mo ito mawawala ang lahat ng iyong kayamanan. (Never sweep the floor at night, or you will lose all your wealth.)
Ang sinumang nagbabayad ng kanyang utang sa gabi ay magiging mahirap. (Whoever pays his debts at night will become poor.)
Kapag ikaw ay agad na nakakita ng bulalakaw, magbalot ka ng ilang pera sa isang gilid ng iyong panyo at maglaro ka ng pustahan, at ikaw ay siguradong mananalo. (As soon as you see a shooting star, wrap some money in a corner of your handkerchief and play any game of chance, for you are surely going to win.)
Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera. (If your palm itches, it means you will receive a lot of money.)
- Kapag ikaw ay nagsuot ng damit at bigla mong napansin na baligtad pala ang iyong pakakasuot, ibig sabihin ay makakatanggap ka agad ng pera. (After you dress up and you immediately discover that you wore your dress inside-out, it means that you are going to receive money shortly.)
- Lagi kang maglagay ng barya o pera sa loob ng bag o lagahe. Kapag hindi mo ito nagastos, ikaw ay magkakaroon ng pera sa buong taon. (Always keep a coin or money bills inside your bag or suitcase. If you don't spend it, it means you will have money for the whole year.)
- Kapag ikaw ay nakakita ng barya sa daan, kunin mo ito at ilagay sa iyong pitaka o bulsa. Kapag hindi mo ito nagastos, hindi ka magkukulang sa pera. (If you find a coin on the road, put it in your purse or pocket. If you never use it, you will never be short of money.)
- Magbigay ka ng malaking diskwento sa iyong unang mamimili, upang ang iyong benta sa loob ng buong araw ay lumaki (buena mano). (Give a generous discount to the day's first customer, so that your sales for the day will increase.)