MGA SANGGOL AT MGA BATA
(Infants and Children)
Mag-Ina sa Banig
ni Nestor Leynes, 1960
1. Mga Sanggol (Infants)
Kapag ang sanggol ay madalas hinahawakan ang kanyang mga paa, ibig sabihin ay gusto na niya ng kapatid na babae o lalaki. (If a baby often holds his feet, it means that he wants a younger brother or sister.)
Kapag ginupit ang mga buhok ng pilik-mata ng bata sa habang siya ay isang buwan pa lamang, ang mga ito ay lalago ng maganda at mahahaba. (Cutting a baby's eyelashes during her first month will them grow long and beautiful.)
Hindi dapat hinahalikan ang sanggol habang siya ay natutulog dahil ito siya ay lalaking sutil o makulit. (An infant must not be kissed when he is sleeping because he will turn naughty when he grows up.)
Ang sanggol na madalas isubo ang kanyang mga daliri sa paa ay nangangahulugan na ang kanyang nanay ay magbubuntis na muli. (A baby who sucks on her toes means her mother will soon be pregnant again.)
Kapag ang paa ng sanggol ay madalas halikan, siya ay lalaking palasagot sa kanyang mga magulang. (Kissing a baby's feet will result in the baby talking back to her parents when she grows up.)
Ang sanggol na suhi ay magdadala ng swerte sa kanyang pamilya. Siya ay magkakaroon ng kapangyarihang alisin ang mga tinik ng isda sa lalamunan ng isang tao kapag hinawakan niya ang leeg nito. (A breech baby will bring luck to the family. She will also have the power to remove fish spines stuck in another person's throat by merely touching that person's neck.)
Kapag ang sanggol ay bibinyagan, siya ay dapat kargahin ng isang taong may hawak na barya sa kanyang kamay o bulsa. Ito ay maghahatid ng swerte sa bata. (When a baby is baptized, he should be carried by a person with plenty of coins in his hand or pocket. This brings good luck to the baby.)
2. Mga Bata (Children)
Kapag umiyak ang bata sa araw ng kanyang binyag, ito ay isang palatandaan ng prosperidad. At kapag mas malakas ang kanyang iyak, siya ay mas lalong yayaman. (A child that cries during his baptism is a sign of prosperity. The harder the child cries, the richer he will be.)
Kapag ang bata ay handa ng lumakad, ilagay siya sa hagdanan. Payapakin siya sa isang plato o ano mang bagay, huwag lamang siya tumapak sa lupa. Ito ay panigurado lamang na kung sakali mang siya ay maliligaw, siya ay makakabalik sa kanyang tahanan. (When a child is ready to walk, put him on the stairs. Have him step on a plate or anywhere else so long as his feet do not touch the ground first. This is to ensure that he will always find his way home from wherever he may roam.)
Kapag nahulog ang ngipin ng bata, itapon ito sa bubong ng bahay upang ito ay makita ng mga daga. Kapag umusbong a bagong ngipin ng bata, ito ay kasing tibay at malakas na gaya ng ngipin ng mga daga. (If a child's milktooth falls out, throw it up onto the roof of the house so that the rats will find it. When the new tooth grows in, it wil be as strong and as powerful as a rat's tooth.)
Ang mga bata ay hindi dapat payagang maglaro sa mga huling oras ng hapon kung kailan ang kulay ng abot-tanaw ay mapulang-dilaw, dahil sa mga oras na iyon ang mga masasamang espiritu ay nagsisipaglakbay. (Children should not be allowed to play late in the afternoon when the horizon is yellow-orange in color, because evil spirits roam around at the time.)
Maaantala ang paglaki ng isang bata kung siya hinahakbangan kapag siya ay natutulog. (Stepping over a child while he is asleep will slow down his growth.)