Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking
lansangan na naghahanap sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol
sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.
Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?
Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga
kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga
babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala moy nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral
sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siyay hinahabol. Ikawy magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito
ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tilay walang problema sa buhay.
Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman
niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siyay ginawa ay
naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siyay lumabas na? Napag-usapan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang amat ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang
isipan at sa kanyang pusong sugatan.
Paano na lang ang sinabi ni Rizal na na Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang
walang kasalanan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lamang magagawa ng
mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguroy huwag ninyo na l
ang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.
Ina, bakit ninyo ako ginawa?