Ang Mga Pisngi Mo (Your Cheeks)
In this short Tagalog poem, the poet is addressing a woman and rhapsodizing about her soft cheeks, comparing them to a hibiscus flower.
ANG MGA PISNGI MO
Ang lahat ng buti'y natipon na yata
Sa kabataan mong ilag sa paraya,
Pati ng pisngi mong pisngi niyong saga
Ay nakahihibang at nakahahanga.
Ang mga pisngi mo'y malambot, maamo,
Mayumi, manipis at hindi palalo,
Ang sangahang ugat kahit humahalo,
Ay napapabadha't... di makapagtago.
Kung ikaw'y hindi ko dating kakilala
Ako'y mamamangha kung aking makita
Ang mga pisngi mong wari'y gumamela.
Naiinggit ako sa paminsanminsan
Sa dampi ng hanging walang-walang malay,
Pano'y kanyang-kanya ang lahat ng bagay..!