

 
 
 
 
 
 






TAGALOG RIDDLES
BUGTONG/RIDDLE SAGOT /ANSWER
| Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona. | BAYABAS | GUAVA | 
| Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa. | BALIMBING | STARFRUIT (with five angular lobes) | 
| Isang reynang maraming mata nasa gitna ang mga espada. | PINYA | PINEAPPLE | 
| Heto na si Ingkong nakaupo sa lusong. | KASOY | CASHEW | 
| May isang prinsesa nakaupo sa tasa. | KASOY | CASHEW | 
| Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao. | ATIS | SUGAR/CUSTARD APPLE | 
| Nagbibigay na'y sinasakal pa. | BOTE | BOTTLE | 
| Hinila ko ang baging nag-iingay ang matsing. | KAMPANA | BELL | 
| May puno walang bunga may dahon walang sanga. | SANDOK | LADLE | 
| Lumuluha walang mata lumalakad walang paa. | PLUMA | BALLPEN | 
| Buto't balat lumilipad. | SARANGGOLA | KITE | 
| Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. | ASO | DOG | 
| Tungkod ni apo hindi mahipo. | NINGAS NG KANDILA | WICK OF A CANDLE | 
| Eto na ang magkapatid Nag-uunahang pumanhik. | MGA PAA | FEET | 
| Dalawang batong itim, malayo ang nararating. | MATA | EYES | 

 
 








 
 







 
 
 
	